Masyadong Mainit? Sang-ayon ang Puso Mo

WHITE PLAINS, N.Y., Ago. 4, 2025 — Dahil tumataas ang mga temperatura sa summer sa buong U.S., hinihikayat ng American Heart Association ang mga residente na magsagawa ng mga pag-iingat laban sa matinding init, lalo na ang mga taong kasalukuyang may mga kundisyon sa puso.

Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (nasa English ang website), mahigit 1,200 tao ang namamatay sa U.S. kada taon bilang direktang resulta ng matinding init. Lubos na tumataas ang bilang na iyon – dahil mas napupuwersa ang puso sa init at dehydration, kaya nailalagay ito sa matinding stress. Tinataya ng isang pag-aaral (nasa English ang website) na inilathala sa Circulation, ang peer-reviewed na journal ng American Heart Association, na ang mga pagkamatay na hinggil sa puso at ugat na nauugnay sa matinding init ay posibleng dumoble at humigit pa sa susunod na dalawang dekada.

Narito ang ilang tip para manatiling ligtas sa matataas na temperatura:

  • Iwasan ang mga peak na oras ng araw: Manatili sa loob ng bahay o gusali sa pagitan ng 12-3 p.m., kung kailan pinakamaaraw.
  • Magsuot ng naaangkop na damit: Magsuot ng kasuotang magaan at maliwanag ang kulay na gawa sa mga breathable na tela tulad ng cotton. Magsuot ng sumbrero at salamin. Maglagay ng water-resistant na sunscreen na may SPF 15 o mas mataas at magdagdag kada dalawang oras.
  • Manatiling hydrated: Uminom ng tubig bago ang, sa gitna ng, at pagkatapos ng outdoor na aktibidad. Iwasan ang alak at kape.
  • Magpahinga: Magpahinga sa mga lugar na may silong o malamig, uminom ng tubig, at unti-unting ipagpatuloy ang aktibidad.

Alamin ang mga senyales ng karamdamang nauugnay sa init. Kung sa tingin mo ay nakakaranas ka ng pagkapagod dahil sa init, lumipat sa mas malamig na lugar, ihinto ang lahat ng aktibidad, at uminom ng tubig para mag-rehydrate. Kung sa tingin mo ay nakakaranas ka ng heat stroke, tumawag kaagad sa 911.

Mga sintomas ng pagkapagod dahil sa init:

  • Mga sakit ng ulo
  • Malamig, maputla, at mamasa-masang balat
  • Mabilis at mahinang pulso
  • Pagkahilo at pagkaliyo
  • Panghihina o pamumulikat
  • Pagduruwal at pagsusuka

Mga sintomas ng heat stroke

  • Mataas na temperatura ng katawan na 103 degrees Fahrenheit o mas mataas
  • Mainit, pula, tuyo, o mamasa-masang balat
  • Mabilis at malakas na pulso
  • Sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkalito
  • Pagduruwal
  • Pagkawala ng malay

“Hindi lang hindi kumportable ang matinding init. Maaari rin itong magbanta sa buhay, lalo na para sa mga taong may sakit sa puso o mataas na presyon ng dugo,” sabi ni Kristen Alouisa, executive director ng American Heart Association para sa mga County ng Westchester at Fairfield. “Gusto naming manatiling ligtas ang ating mga komunidad para ma-enjoy nila ang summer habang pinoprotektahan ang kanilang kalusugan.”

Dagdag ni Dr. Joshua Latzman, na cardiologist sa White Plains Hospital, “Nagkakaroon tayo ng pagdami sa mga kumplikasyong nauugnay sa init kada summer, lalo na sa mga mas nakatatandang nasa hustong gulang at mga taong may mga kundisyong hinggil sa puso at ugat. Mahalaga ang pag-iwas. Ang pananatiling hydrated, pag-iwas sa peak na init, at pagkilala sa mga sintomas nang maaga ay makakapagligtas ng mga buhay.”

Sa kabila ng init, mahalaga pa ring manatiling aktibo. Subukang maglakad-lakad, lumangoy, magbisikleta, mag-skate, gumamit ng jumping rope, o mag-organisa ng laro ng soccer kasama ang mga kapitbahay. Kasama rin dito ang paghahalaman, pagtutulak ng stroller, o paglalakad ng aso. Mag-iskedyul ng mga aktibidad para sa umaga o gabi, o maghanap ng mga indoor na espasyo tulad ng mga mall, gym, o community center.

Para matuto pa tungkol sa kung paano nakakaapekto ang init sa kalusugan ng puso, bumisita sa heart.org (nasa English ang website).

Mga Karagdagang Resource:

###

Tungkol sa American Heart Association

Ang American Heart Association ay walang-patid na nagsusumikap tungo sa mundong may mas mahahaba at mas malulusog na buhay. Nakatuon sa pagtiyak ng pantay-pantay na kalusugan sa lahat ng komunidad, ang organisasyon ay isang nangungunang sanggunian ng impormasyon sa kalusugan nang mahigit isang daan nang taon. Sinusuportahan ng mahigit 35 milyong boluntaryo sa buong mundo, pinopondohan namin ang makabagong pananaliksik, isinusulong namin ang kalusugan ng publiko, at nagbibigay kami ng mga kritikal na resource para magligtas at magpabuti ng mga buhay na naaapektuhan ng sakit na hinggil sa puso at ugat at stroke. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga pag-unlad at pagpapatupad ng mga napatunayang solusyon sa siyensiya, polisiya, at pangangalaga, tuloy-tuloy kaming nagsusumikap na isulong ang kalusugan at magpanibago ng mga buhay bawat araw. Kumonekta sa amin sa heart.org (nasa English ang website), FacebookInstagramX o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-AHA-USA1.

Para sa mga Inquiry ng Media:

Bong Arquiza: Bong.Arquiza@heart.org

Para sa mga Inquiry ng Publiko: 1-800-AHA-USA1 (242-8721)

heart.org (nasa English ang website) at stroke.org (nasa English ang website)

AHA Logo
This link is provided for convenience only and is not an endorsement of either the linked-to entity or any product or service.
CLOSE PROCEED